Gloc-9
Pugante by Kierz Ferrer feat. Gloc-9 [Lyric Video]
Kierz Ferrer - Pugante (feat. Gloc-9) Lyric Video
Additional Vocals by Sway of Kalookals Musik
Visual by See This! Studio
Recorded at Kalookals Musik
Beats by Von Magno Florida (PARADIGM)
Mixed & Mastered by Kierz Ferrer
"Pugante" Lyrics:
Pagod ang isip madalas puyat
Tulog ang diwa pero ang mga mata’y mulat
Gustong takasan kung ano ang buhay na meron ka ngayon
Gustong ulitin ang lahat kung merong pagkakataon
Sa anong panahon matatapat sugat paa sa paglakad mo nang nakayapak
Kung merong pagkakataon na buwan ay aking masapak
Lakas loob na gagawin ko na may halong tadyak
Noon may nagsabi na kay sarap mabuhay
At agad din nagpakamatay nung nalamang tunay
Para san ka nabubuhay para san ka lumalaban
Ano nga ba ang kahulugan sa’yo ng kalayaan?
Alam ko na ika’y napagod ng husto
At magising ka sa mahaba na bangungot ang gusto
Pero papa’no kung huli na at di na makalukso
Ilang tibok na lang ibibigay ng puso at pulso
Kalagan mo ang gapos ng puso’t isip mo
Laging alalahanin nandito lang ako
Para laging magpaalala na sa tuwing ikaw ay unti-unting nawawala na
Pakinggan mo lamang ang awit kong ito nang ikaw ay dahan-dahang
Kumawala…
Dami na nilang gusto di na alam ang tamang pwesto
San ba lulugar ba’t ganito malawak ang paligid ‘di makagalaw
Ang dami kong pinlano nakalista lang sa tubig
Mga gusto kong gawin subalit ‘di pa rin maisip
Kung anong mga tamang paraan para buhay kong ito ay malagyan ko ng katuturan
Puro walang kabuluhan ngayon ang uso kung
Nasa’n ako sumpa atang wala akong paa hindi makatakbo
Papalayo na kahit sandali ay makailag
Simangot sa mukha ng ibang tao ang sagisag
Na hindi na ito maganda at parang mas lumalala pa yata
Habang mas tumatagal lalong sumasama
Kahit na pangsarili kong lagay ay malubha na
Hindi sapat sa akin ang dumungaw sa bintana
Ng kaluluwa at tanawin ang gusto kong maging ako
Sinusumpa na balang-araw ay tatanawin ko ‘to
Matayog ang lipad na ang paa ay nakaapak
Alam ko ang daan kaya hindi mapapahamak
Makita sa mata kung anong tunay na ligaya
Para sakin ay ito na ang lihitimong paglaya
Kalagan mo ang gapos ng puso’t isip mo
Laging alalahanin nandito lang ako
Para laging magpaalala na sa tuwing ikaw ay unti-unting nawawala na
Pakinggan mo lamang ang awit kong ito
Sampung taon sa Saudi para makabawi
Sa buhay masayaran ng mantika mga labi
Ng aking anak kahit magkabitak-bitak
Ang aking mga palad bilad sa araw yan ang tiyak
Puyat parang barangay tanon tapos bawal mapagod
Handang humilahod tiis-tiis para sa sahod
Na inipon ng buwan-buwan wala akong nilaktawan
Hindi ko binawasan ‘yan kahit na kumalam ang tiyan
Maipadala ko lang pabalik ng pinas
Balita ko sobrang taas na daw ng presyo ng bigas
Kaso ang aking asawa ay naligaw ng landas
Lahat ng bunga’y pinitas ang pera nami’y winaldas
Bibili ba ko ng lubid o tatayo sa taas
O di hahaluan ng tubig ang iinuming katas
Dahil ang masakit pa ako ay nagtataka
Kasi ang dalawa naming anak ngayon ay tatlo na
Kalagan mo ang gapos ng puso’t isip mo
Laging alalahanin nandito lang ako
Para laging magpaalala na sa tuwing ikaw ay unti-unting nawawala na
Pakinggan mo lamang ang awit kong ito
Kalagan mo ang gapos ng puso’t isip mo
Laging alalahanin nandito lang ako
Para laging magpaalala na sa tuwing ikaw ay unti-unting nawawala na
Pakinggan mo lamang ang awit kong ito nang ikaw ay dahan-dahang
Kumawala…
Post a Comment
0 Comments