Isang Gabi by SOULSTICE feat. Jom [Official Music Video]


SOULSTICE - Isang Gabi (feat. Jom) (Official Music Video)
Prod by: ELEVEN

Directed and Edited by: Vince Greg

© Peso Productions
All Rights Reserved. 2020



"Isang Gabi" Lyrics:

Sino bang may diperensya sa ating dalawa
Tingnan mo muna ang sarili mo bago manghusga
Isang gabing puro usapan kung bakit ka nang-iwan
Ano ang dahilan? ano ang dahilan? woah

Hindi ko maintindihan kung pano
Mo nagagawa para bang lahat ng ‘to ay nakaplano
Alam kong wala akong pagkukulang pero bat mo ba nakukuhang
Umalis ng wala manlang pasintabi, magulang ka pa sa magulang

Bakit ba di ako mapakali gusto ka pa din katabi
Madalas nag-aabang sa iyo habang ikaw ay puro ka lamang salisi
Bawat gabi di na maipinta mukha ko sa tabi-tabi
Gusto ko lang malaman kung ano ba talaga kasi ayoko maniwala sa mga sabi-sabi la la la la
Wag kang mag-alala dahil pakikinggan naman kita
Minu-minuto kita na iintindihin at pasasayahin kahit pa
Kaso lang hindi na ako yung buo ang tiwala dahilan ng kawalang bahala mo sakin
Tutal dyan ka masaya pero di pwedeng ako lang yong kawawa

Sino bang may diperensya sa ating dalawa
Tingnan mo muna ang sarili mo bago manghusga
Isang gabing puro usapan kung bakit ka nang-iwan
Ano ang dahilan? ano ang dahilan? woah

Bakit ba hin di ko maipaliwanag
Parang kanina nag-uusap lang sa tawag
Biglang nagbago ang ihip ng hangin
Madalas na yatang ganyan ka sa akin
Sinong may diprensya hindi ko na malaman
Sa lahat ng kalokohan mo wala kong kinalaman
Ano ang aking gagawin ang hirap mong intindihin
Pilit kitang inuunawa pero bat ganun pa din

Ano ang paniniwalaan ano ang totoo
Sino ba satin nagsasabi ng totoo
Ayokong umabot sa punto na tayo magkalokohan
Ang pakiusap ko sana ay magawa mo ko na pahalagahan

Sino bang may diperensya sa ating dalawa
Tingnan mo muna ang sarili mo bago manghusga
Isang gabing puro usapan kung bakit ka nang-iwan
Ano ang dahilan? ano ang dahilan? woah

Sana alam ko na yung dahilan
Madami ang babae na nagkandarapa dyan
Sa pwesto mo oh please ano ba ang dahilan
Bat di mo oh idaan sa usapan
Yung mga lambing mo yun laging hanap ko
Isipin mo ng mali ay di ko magagawa
Madalas topakin ka ang maglambing ay wala
Ang umalis ka ng bigla hindi ko kinaya

Teka lang chill muna tayo pag-usapan natin to
Tila bang pinaikot mo lang ang aking mundo
Sa dami-dami ng ginawa ko sayong napakaganda
Tila ba mali ko pa ang lagi mong nakikita

Sino bang may diperensya sa ating dalawa
Tingnan mo muna ang sarili mo bago manghusga
Isang gabing puro usapan kung bakit ka nang-iwan
Ano ang dahilan? ano ang dahilan? woah

Bat umalis lahat naman ay ginawa para sayo
Di nainis kahit ako ay nagmukhang tanga sayo
Bakit parang lahat ng ginagawa ko ay mali para sayo
Tapos ikaw pa ang may gana na magsabi na nakakasawa na ako
Wala naman akong ginawa kundi suyuin ka gabi-gabi
Ang gusto ko lang naman ay makasama, mayakap ka’t makatabi
Malabo na ngang maayos pa ang relasyon natin
Kaya magpapaalam na pasensya di ko na kinaya
Di na kita kilala ika’y ibang iba ika’y nagbago na (Soulstice)

Sino bang may diperensya sa ating dalawa
Tingnan mo muna ang sarili mo bago manghusga
Isang gabing puro usapan kung bakit ka nang-iwan
Ano ang dahilan? ano ang dahilan? woah

Sino bang may diperensya sa ating dalawa
Tingnan mo muna ang sarili mo bago manghusga
Isang gabing puro usapan kung bakit ka nang-iwan
Ano ang dahilan? ano ang dahilan? woah

Post a Comment

0 Comments