The Original Lord Patawad by Bogito feat. Micah Bogita [Lyric Video]


THE ORIGINAL LORD PATAWAD LYRIC VID BY BOGITO AND MICAH BOGITA

PROD BY MANDARHYME



"The Original Lord Patawad" Lyrics:

Lord patawad sa aking mga sala
At salamat din ako’y iyong pinagpapala
Sasambahin kita kahit hindi kita makita
‘Pagkat sa mundo ikaw ang siyang dakila
Ikaw ang nagpakulay ng aking buhay
Ikaw ang nagbigay ng marangal na hanapbuhay
Wala kang kapantay oh aking Diyos
Lahat ng aking sala ikaw ang tumutubos

Halos ‘di ko mabilang ang aking mga atraso
Naaalala ka sa t’wing ako’y tinatrankaso
Kapag wala nang pera at ako’y nagigipit
Pangalan mo palagi ang aking binabanggit
Pinipilit ipikit ko ang aking mga mata
Kunyaring nagdarasal nambobola lang pala
Na sana ay pagpalain mo ako sa araw-araw
Sa lotto ay tumama nang sayo ay makadalaw
Ngunit mali pala ang aking inaakala
Akala ko kasi si Lord ay aking madadaya
Magawa mo pa kaya na ako ay mapatawad
Kahit ang buhay ko sa kasalanan ay nababad
Salamat sa iyo, sapagkat ako’y nabago
Kahit ang dami na ng mga sala ko sayo
At nang ako’y magsisi, sa iyo ako’y tumawag
Nang dahil sa iyo ay nakamtan ko ang liwanag

Lord patawad sa aking mga sala
At salamat din ako’y iyong pinagpapala
Sasambahin kita kahit hindi kita makita
‘Pagkat sa mundo ikaw ang siyang dakila
Ikaw ang nagpakulay ng aking buhay
Ikaw ang nagbigay ng marangal na hanapbuhay
Wala kang kapantay oh aking Diyos
Lahat ng aking sala ikaw ang tumutubos

Dami ko nang kalokohan na aking ginawa
Naranasan ko na rin ang buhay na pariwara
Walang napala, laging tulala, ito ba’y kapalaran ko
Oh Diyos ko nasaan ka na tulungan mo ako
(Anak ko ano bang problema mo?)
Sa buhay kong ito ako ay litong lito
(Magtiwala ka lang sakin at sa sarili mo,
Pagsisihan mo lahat ng mga kasalanan mo.)
Patawarin mo ako (Anong kasalanan mo?)
Ninakawan ko lahat pati na kapitbahay ko
Ginagawa ko to para pangsarili ko
Nagging holdaper, snatcher para makapag-bato
Ilang beses ko na rin niloko ang sarili ko
Nagpapanggap na masaya pero nalulungkot ako
Diyos ko po… ikaw na ang maghari sa puro kong ito
Upang lungkot ko ay mapawi

Lord patawad sa aking mga sala
At salamat din ako’y iyong pinagpapala
Sasambahin kita kahit hindi kita makita
‘Pagkat sa mundo ikaw ang siyang dakila
Ikaw ang nagpakulay ng aking buhay
Ikaw ang nagbigay ng marangal na hanapbuhay
Wala kang kapantay oh aking Diyos
Lahat ng aking sala ikaw ang tumutubos

Mapapatawad mo pa ba ang tulad kong makasalanan?
May pag-asa pa bang makaakyat sayong hagdanan?
At sa iyong pintuan ako ba’y papapasukin?
Kahit ang kasalanan ko di na kayang bilangin
Ng mga kamay at ng aking mga daliri
Minsan lang magsimba, di pa nakikinig sa pari
Ganyan ako katamad sa t’wing sayo ay sasamba
Ngunit kahit ganun ako’y iyong sinasalba
Sa mga hamon ng buhay lagi kang nakagabay
Nasa likod kita at para bang nakaakbay
At sa paglalakbay ko may kasamang mga hamon
Ikaw ang dahilan kung ba’t ako nakakabangon
Sa mga problema na aking pasan-pasan
Na dahil sa iyo lahat ay nalalampasan
Kaya ako’y nagsisi sa iyo ako’y sumuko
Ikaw ang siyang luminis ng madungis ko na puso

Lord patawad sa aking mga sala
At salamat din ako’y iyong pinagpapala
Sasambahin kita kahit hindi kita makita
‘Pagkat sa mundo ikaw ang siyang dakila
Ikaw ang nagpakulay ng aking buhay
Ikaw ang nagbigay ng marangal na hanapbuhay
Wala kang kapantay oh aking Diyos
Lahat ng aking sala ikaw ang tumutubos

Panginoon patawarin mo ako sa mga kasalanang nagawa ko sayo
Pinagsisihan ko na ang lahat na mga kasalanan ko dito sa mundo
At ng ako mag kursilyo ikaw ay nakilala ko ng lubos
Ikaw pala ang dakilang ama ikaw pala ang dakila kong Diyos
Bago magtapos itong awitin nais ko po sanang maipabatid
Na isa lamang ang ating ama at lahat tayo ay magkakapatid
Bago mapatid ang aking litid, bago matuyo ang aking lalamunan
Wala bang palakpakan diyan sa kaliwa’t sa kanan

Lord patawad sa aking mga sala
At salamat din ako’y iyong pinagpapala
Sasambahin kita kahit hindi kita makita
‘Pagkat sa mundo ikaw ang siyang dakila
Ikaw ang nagpakulay ng aking buhay
Ikaw ang nagbigay ng marangal na hanapbuhay
Wala kang kapantay oh aking Diyos
Lahat ng aking sala ikaw ang tumutubos

Post a Comment

0 Comments