Pahina by Pricetagg feat. Gloc-9 & JP Bacallan [Official Music Video]


Directed & Edited by REIKA
Story & Co-direction by Jomari “Pricetagg” Espiritu
DOP/Cam OP: Malli, Vince Greg, MELVIN DAVE

Written & Performed by Pricetagg, JP Bacallan & Gloc 9
Music Produced, Recorded, Mixed & Mastered by Mark Beats

℗© 𝐑𝐀𝐖𝐒𝐓𝐀𝐑𝐑 𝐑𝐄𝐂𝐎𝐑𝐃𝐒 2020.


"Pahina" Lyrics:

Naranasan mo na ba sa buhay ay malasin
Kumakalam sikmura at wala ka nang makain
Sa usok ay sabog nilulunok nalang yung hangin
At isipin na busog baka bukas mapapalarin
Maalat ang diskarte kaya ulam tuyo at daing
Mainit na kape sinasabaw ko pa sa kanin
Nagtampo 'ko sa bigas kaya walang masaing
Ngayon alam mo na ang sulat at sugat ko'y malalim
Inisip lang pagsubok 'to hanggang kalian 'to tatagal
Hanggang daga saking dibdib unti unting natatanggal
Bakal na puso ko pano 'ko magmamahal
Natutulog ba ang Diyos kaya pano ako magdadasal
Bubuksan ko pintuan ng langit na sarado
Hanapin susi ng tagumpay kahit may kandado
Akin na ang kontrata handa na ang lagda ko
Sakin ang titulo ng hinahangad kong palasyo

Sinimulan ko 'to walang naniniwala
Sa paligid ko
Eh ano (eh ano)
Susulatan ko lahat ng mga blankong pahina
At mas sisipagan ko pa
Kahit maubusan pa 'ko
Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
Maubusan man ng hininga
Di na para ako ay tumigil pa

Subukan natin bumalik
Sa bawat daan na matinik
Kahit na hindi makahalik
Maabot ka lamang ay palaging sabik na sabik
Kami pailan ilan noon
Mga taga igib sa balon
Mababaw man o malalim
Palarin man o malasin
Ay naka handa na tumalon
Sa bangin man o sa tulay
Madilim at walang gabay
Lahat ng bawal ay sinusuway
Gabi na'y naghuhukay makita lang saking kamay
Kahit maputik hatak sa lubid
Laging uhaw at kulang sa tubig
Kung may mali sige umulit
Sa bagong papel pangarap mo'y iguhit

Sinimulan ko 'to walang naniniwala
Sa paligid ko
Eh ano (eh ano)
Susulatan ko lahat ng mga blankong pahina
At mas sisipagan ko pa
Kahit maubusan pa 'ko
Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
Maubusan man ng hininga
Di na para ako ay tumigil pa

Naging bulag pipi't bingi sa payo ng iba
Tinakwil na nga 'ko ng aking ama't ina
Kausap ang sarili san ba 'to mapupunta
Rehab, kulungan, kamatayan mamili ka
Pero hindi, kailangan ko nang matakasan
At isulat sa papel lahat ng naranasan
Nakaguhit sa kamay ang aking kapalaran
Ako ang Francisco sa makabagong balagtasan
Mga pikit ang pananaw may araw akong titignan
Tamis ng tagumpay unti unti 'ko nang matitikman
Nasan korona, ang ulo ko ay lalagyan
Alam mong ikaw ay hari ng sarili mong kaharian
Tawid dagat nilakbay ko kaya hindi na biro
Madalasan din maiwanan ang aking anino
Hanggang ang Jomari ay pwede nang ihalubilo
Sa Marlon, Aristotle, Andrew, at Kiko

Sinimulan ko 'to walang naniniwala
Sa paligid ko
Eh ano (eh ano)
Susulatan ko lahat ng mga blankong pahina
At mas sisipagan ko pa
Kahit maubusan pa 'ko
Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
Maubusan man ng hininga
Di na para ako ay tumigil pa

Post a Comment

0 Comments