NOBITA
Unang Sayaw by Nobita [Official Music Video]
NOBITA - UNANG SAYAW | OFFICIAL MUSIC VIDEO
Directed by. Jeff Valencia
UNANG SAYAW
Written by Jaeson Felismino
Arranged by NOBITA
Produced by Isagani Palabyab and NOBITA
Mixed by Isagani Palabyab
Mastered by Isagani Palabyab
Cast:
Dante Santos Gulapa
Kaye Agcaoilo
Ness Cayabyab
Assistant Director : Keith Manabat
Camera : Zion Jacob Chelsea
Lights: Dale Gojo Cruz
Make up: Nuela Dice
"Unang Sayaw" Lyrics:
Tumatalon ang puso
Sa tuwa ay patungong
Langit na ata
Ikaw ang kasama
Sa titig pa lang, tunaw na
Hawak sa kamay
Wala na akong palag sa
Ay, pag-ibig na ata
Sa ilalim ng kalawakan
Pangalan mong isisigaw
Sa ilalim ng buwan ay titigan
At hawakan aking kamay
Isasayaw ka nang dahan-dahan
Hanggang 'di mo mamalayang
Ako na pala ang 'yong kailangan
At gusto mong pamahalaan
Tila'y rosas na pula
Labi mong nagsasalita
Kay sarap itigil ng oras
Maaari itali't iposas
Ang iyong mga tingin
Labis ang mga ningning
Oh, panaginip ka
Ayaw nang gumising pa
Sa ilalim ng kalawakan
Pangalan mong isisigaw
Sa ilalim ng buwan ay titigan
At hawakan aking kamay
Isasayaw ka nang dahan-dahan
Hanggang 'di mo mamalayang
Ako na pala ang 'yong kailangan
At gusto mong pamahalaan
Sinta, naalala mo pa?
No'ng unang araw na magtagpo ang mga mata?
Mga tala sa langit ay bumaba
Tila'y liwanag mo'y nagbabadya
Ng bagyo sa pusong pawala
Oh sinta, sana naaalala mo pa
'Yong mga unang sayaw nating dalawa
Kasi sa bawat pagpikit ng aking mga mata
Hanggang sa huling indak ng mga paa
Alam kong habang-buhay, iibigin kita
Sa ilalim ng kalawakan
Pangalan mong isisigaw
Sa ilalim ng buwan ay titigan
At hawakan aking kamay
Isasayaw ka nang dahan-dahan
Hanggang 'di mo mamalayang
Ako na pala ang 'yong kailangan
At gusto mong pakasalan
Post a Comment
0 Comments