Ang Awit Natin by Janine Teñoso [Official Lyric Video]


Ang Awit Natin - Janine Teñoso (Official Lyric Video) | Encounter OST

The official lyric video of "Ang Awit Natin" by Janine Teñoso

ANG AWIT NATIN
Performed by Janine Teñoso
Words and music by Jazz Nicolas and Wally Acolola
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced by Civ Fontanilla and Jazz Nicolas
Arranged by Jazz Nicolas
Recorded by Joel Vitor at Amerasian Studios
Courtesy of Viva Records Corporation


"Ang Awit Natin" Lyrics:

Minsan sinabi natin
Walang ibang mamahalin
Tulad ng himig ng hangin
Dati ko nang napapansin
Naririnig ko sa awit ang buhay natin

Biglang nag-iba ang buhay
Nagkasundong maghiwalay
Ipilit man ‘di na sanay
‘Di magtagpo ang mga kamay
Pangako ng awit noon ay hindi nabigay

Mahirap mangako
Na ‘di na kita iisipin
Wala rin mapapala kung uulitin
Lang natin
Ngayon ay aking aaminin
Sa isip nalang kita makakapiling
T’wing maririnig ang awit natin

Lumipas na ang sandali
Iba na rin ang katabi
T’wing ‘di makatulog sa gabi
Ay inaawit kong muli
Kahit wala ka bigla ‘kong napapangiti

Mahirap mangako
Na ‘di na kita iisipin
Wala rin mapapala kung uulitin
Lang natin
Ngayon ay aking aaminin
Sa isip nalang kita makakapiling
T’wing maririnig ang awit natin

Ngayon ay aking aaminin
Sa isip nalang kita makakapiling
T’wing maririnig
T’wing maririnig
T’wing maririnig ang awit natin

Post a Comment

0 Comments