Gloc-9
Sa Aking Mundo by Sparo feat. Gloc-9 [Lyric video]
Hoodlum Records 2021
Hoodlum Beats
Prod by Hoodlum records
Lyrics and written by : Sparo and Gloc 9
Lyric video by Sparo Hasegawa
Art cover by Raff Marlon Bullan
"Sa Aking Mundo" Lyrics:
Napakaraming tao ang dumarating
Gusto na masubukan ang iyong galing
Tila ba walang kabusugan sa dami ng pinapakain gusto ka pa yata nila na sagarin
Tingnan kung hanggang saan ang mailalabas kung meron pang katas
Kung gano kalakas ang hawak mong alas napakatalas
Pinabilib ka na! intro pa lang!!!
Marahil ay iniisip mo kung anong klaseng awitin ang iyong maririnig
Lalabas sa’ming bibig na para bang wala ng balak na bumagal di napapangal na mangarap
At ang mga balak ay hindi na malayo na maganap pagkat ang katuparan ay naghihintay na lamang na ang sarili ko’y mahanap
Sa dami ng sinulat natabunan na ‘yong iba ginawa kong unan ang papel nakatulugan
Pagkagising nalimutan pero di na bale iisipin ko na lang ulit
Baka makagawa pa ko ng mas malupit
Gano man kalawak ang mundo suporta’y masikip
Panghawakan pa rin ang pag-asa kahit na gaano kaliit
Nung una akala ko puro pera ang makikita ko sa dulo
Yun pala entablado at mikropono at mga tao na sayo sumasaludo
Sapat na dahilan para magpatuloy mawalan man ng panlasa di mawawalan ng gana
Mananatiling malakas pagkat sa aking idolo ako’y mananatili mo na tagahanga
Sa aking mundo’y tanging malupit lang ang pwede!
Kung di mo kayang sundan ang rap ko hindi ka kasali
Magiging alipin ka kung wala kang sinabi
Beterano na ko dito kaya pa’no mo madadali
Madami ng mga buto ang nilahad
Malayo layo na ang nilakad
Ilan ng panyo ang siyang nagpatuyo tuwing pinapawisan ang palad
Maniwala ka kasi madami pero wag lahat ng mga sinabi
Ingat ka lamang sa pipiliin mong laro at kung sino ang mga kasali
Dapat alam mo kung sino ang
Lulutang lang kapag may laman
Ang iyong bulsa laging hawakan mo
Kilalanin kung sinong tunay na kasama mo
Galingan mo lagi kasi huwag mag inarte
Buhatin mo ang mga balde
Para bang ikaw ay tangke araw man o gabi
Kunin mo palagi ang parte! Ganon lang talaga yan beh
Wala ng kasi wag ka na muna maghiganti
Inuman mo lamang ng kape kung hindi mapakali
Kausapin si Aristotle
Lampasan mo lamang pag nilait ka nila
Kung ayaw nila sa’yo ay humanap ka ng iba
Pag meron ng nakapwesto hayaan mo lang sila
Sipagan ng sipagan dahil matibay ay siyang matitira!
Sa aking mundo’y tanging malupit lang ang pwede!
Kung di mo kayang sundan ang rap ko hindi ka kasali
Magiging alipin ka kung wala kang sinabi
Beterano na ko dito kaya pa’no mo madadali
Sa aking mundo’y tanging malupit lang ang pwede!
Kung di mo kayang sundan ang rap ko hindi ka kasali
Magiging alipin ka kung wala kang sinabi
Beterano na ko dito kaya pa’no mo madadali
Di man ako pintor pero kaya ko na magpinta
Ilarawan ang buhay ko na ang gamit lang ay tinta
Laging inspirado sa tuwing sa beat ako ay magdidikta
Walang paraan para mapigil ang bibig kapag pinag-uusapan ang musika

Post a Comment
0 Comments