Paulit-Ulit by Gracenote [Official Music Video]


Official music video by Gracenote performing "Paulit-Ulit" -- from the latest album "Small World"

GRACENOTE is:
Eunice Jorge
Jazz Jorge
Tatsi Jamnague
EJ Pichay

Composer: Eunice Jorge and Darwin Hernandez
Arranged by: Gracenote
Recorded at: La Balls Studio
Recorded by: Nick Lazaro
Mixed and Mastered by: Willy Villa
Published by: Universal Records and Soupstar Music Inc.

Director: Darwin Hernandez
Asst. Director: Jem CadeliƱa
Director of Photography: RJ Villanueva
Camera: RJ Villanueva & Jem CadeliƱa
Editor: RJ Villanueva
VFX Artists: Nina Ledesma & Daniel Aguilar
Production & Behind the Scenes: Badeth Marzan


"Paulit-Ulit" Lyrics:

Isang gabi na magkatabi
Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang umuwi
Humingang saglit, tumingin sa iyong mga labi habang ang iyong kamay nakapilipit sa akin

Ikaw lang ang pansin at laman ng utak ko hanggang sa panaginip
Saan mo man ako dalhin di ako magsisisi
Sana ay kaya mong basahin ang laman ng aking isip
Pag nagiba ang ihip ng hangin
Di ko alam ang gagawin

Sana ay wala nang bukas pang nangyari
Ayokong matapos ang gabi
Kahit pa matunaw ang mga bituin sa langit
Wala na akong iba pang hihilingin
Kundi makita kang muli na nakangiti sa akin

Ilang hakbang papalayo
Mga binitawan mong salita bumaon sa aking dibdib
Hinde ako mapakali
Parang isang hampas na tumama sa aking
Pisngi

Ikaw lang ang pansin at laman ng utak ko hanggang sa panaginip
Sumama ka nalang sa hangin
Ayokong masisi
Sana ay kaya kong basahin ang laman ng iyong isip
Kapag nagiba ang ihip ng hangin
Wag mo naman akong iwang bitin

Sana ay wala nang bukas pang nangyari
Ayokong matapos ang gabi
Kahit pa matunaw ang mga bituin sa langit
Wala na akong iba pang hihilingin
Kundi makita kang muli na nakangiti sa akin

Tanging hiling ko lang naman
Na makasama kang muli
At sabay na tayong uuwi
At sabay na tayong uuwi

Parang isang kanta na di mawaglit
Boses mo lang laging naririnig
Di nabibingi sayong tinig
Di nabibingi sayong tinig

Paulit-ulit kong naririnig
Paulit-ulit kong naririnig
Paulit-ulit kong naririnig
Paulit-ulit kong naririnig
Paulit-ulit kong naririnig
Paulit-ulit kong naririnig
Paulit-ulit kong naririnig
(Di nabibingi sayong tinig
Di nabibingi sayong tinig
Di nabibingi sayong tinig)

Post a Comment

0 Comments