Huling Sayaw by Nyoy Volante [Music Video]


Huling Sayaw by Kian Dionisio | Interpreted by Nyoy Volante | PhilPop 2020

Warner Music Philippines


"Huling Sayaw" Lyrics:

Pa’no nga kay
Kung ‘di ako noon nahiya
Nasabi ang nadarama
Habang tangan-tangan ka
Ng pawisan kong kamay
At mga brasong ngalay
Panong ‘di mahihiya
Paa’y parehong kaliwa

Ngunit naunahan ng kaba, takot, at ng kaibigan ko
Kundi nag-alangan ay nasabi ko sana sa’yo

Siguro hindi yun ang ating huling sayaw
Siguro mukha mo ang aking laging tanaw
Pag gising araw-araw tanging ako lang at ikaw
Kung ‘di ko nasayang ang ating

Sa murang edad ko noon
Batid kong pag-ibig na ‘yon
Wala pang ibang tinitigan ng gano’n
Nais makasama habang panahon

Ngunit naunahan ng kaba, takot, at ng kaibigan ko
Kundi nag-alangan ay nasabi ko sana sa’yo

Siguro hindi yun ang ating huling sayaw
Siguro mukha mo ang aking laging tanaw
Pag gising araw-araw tanging ako lang at ikaw
Kung ‘di ko nasayang ang ating sayaw

Minsan sumasaglit sa malikot kong isip
Minsan dumadalaw sa mga panaginip
Kung ‘di nag-alangan ikaw sana’y na sa’king piling

Siguro hindi yun ang ating huling sayaw
Siguro mukha mo ang aking laging tanaw
Pag gising araw-araw tanging ako lang at ikaw
Kung ‘di ko nasayang ang ating huling sayaw

Pag gising araw-araw tanging ako lang at ikaw
Kung ‘di ko nasayang ang ating huling sayaw

Kung ‘di ko nasayang ang ating huling sayaw

Post a Comment

0 Comments