Unknown by Soulstice [Official Lyric and Music Video]


SOULSTICE - UNKNOWN (Official Lyric and Music Video)
Produced by: mr. EPEE

Directed and Edited by: Ezekiel Pagtama
Executive Producer: Peso Mercado


"Unknown" Lyrics:

Kapag naaalala
Ka sa bawat malamig na sandali
Tinatanggap ko na wala na
At hindi na kita mayayakap ulit

Natatandaan ko pa yung dating kasabay ka matulog, kasabay ka kumain
Kasabay ka sa bawat pagmulat ng mga mata at tanging panalangin
Natin ay ang isat-isa 'di ba wala nang iba tayo lang dalawa
Alam mo ba ang sarap sa pakiramdam nung mahal mo pa
Palagi lang tayo nakangiti habang magkayakap
Palagi lang tayong naglalakad magkasabay papuntang alapaap
Pero ngayon malabo nang maagapan 'di lamang 'to basta lamat lamang
Tanggap ko naman sapagkat ang lahat ng gan'to ay may hangganan (may hangganan)
Aminadong nandito pa rin ang lahat ng mga alaala sa aking isipan
Kahit na gano'n mo lang kadali pinagpalit ang ating nasimulan
Alipin lang pala ako ng mga kasinungalingan
Kaya nararapat ka lang kalimutan ngayon nang hindi napipilitan

Kapag naaalala
Ka sa bawat malamig na sandali
Tinatanggap ko na wala na
At hindi na kita mayayakap ulit
Tiniis ko at hindi mo
'Ko napansin dito, nasasaktan na ako dito

Nawawala aking sarili
Sa tuwing ikaw ay hinahanahap ko
Nasa'n na yung lambing mo at yakap
Like it's a peaceful place
When you kiss me on my lips like is you takin' me heaven kaya…

Alam ko na hindi na tayo
Pero hanggang ngayon hindi ko maitago
Ang nararamdam ko na sakit sa
Puso, wohh hoh
Mahirap man ito para labanan
Alam ko sa sarili ko wala 'kong pagkukulang
Ginawa ko naman ang lahat
Tapos ang kapalit lang no'n ay napakabigat

Kaya sorry (kaya sorry)
Kung handa na akong kalimutan ka
Kaya sorry (sorry)
Yun ay hindi mo na maririnig pa

Kapag naaalala
Ka sa bawat malamig na sandali
Tinatanggap ko na wala na
At hindi na kita mayayakap ulit
Tiniis ko at hindi mo
'Ko napansin dito, nasasaktan na ako dito

Post a Comment

0 Comments