Liham by Balasubas [Lyric Video]


"LIHAM"

Gaano mo kaMahal ang Musika?
Gaano mo kamahal ang ginagawa mo bilang musikero?
Para ba sayo ang mundo ng musika?

Lahat tayo nag uumpisa sa simula , pero may katapusan.

- Balasubas


"Liham" Lyrics:

Minsan ko nang kinausap ang
Sarili sa harap ng salamin parang buang
Akong nakamasid sa gilid palaging nakaabang
Kung merong kakatok o sisilip manlang sa puwang
Kahit nag-iisa nakahiga ang isip sayo lang
Di ka ba napapagod palagi kang tumatakbo sa utak maghapon
Pagod na kakaisip katawan sa pagbangon
Kung para ba ako sayo o isa lang hamon to
Alam mo ba yung mga bagay na bihira?
Ay pagkakataon mo na malaman at makita
Kung para ka ba sakin binibining marikit
Ang kapalit ay dugo’t pawis para ka lang makamit maipakita
Kung tunay ba ang nararamdaman mo na saya
Yung iba nakatungtong lang sa taas limot ka na
Kung gano kahalaga, katangian mong dala
Ay syang yaman na itinanim ng mga nauna… aming kultura

Matapos ka nila na ipaglaban
Ganun ganun ka na lang ng iba tapak-tapakan
Kayang kaya na sirain ang pangalan
Hindi ko maiwasang masaktan
Dahil nga mahal kita
Dapat ay alam mo na
Kung bakit ko ginagawa ito
Dahil para sayo sinta

Sa dami po ng manunulat halos di na makilala yung iba
Mapansin man sa talas ng kanilang obra na gawa
Mga likhang napapansin pa yung tulang malalaswa
Na hindi dapat sa mga bata ipamukha
Bagamat pwede mong ipasa yung kapupulutan ng
Aral sa gawa mo paniguradong babakat ng matagal sa isip
Ng mga nakikinig, kung magagawa mo yun? Dun lang ako bibilib
Ang kinamulatan na tugtugan nagtawid saking pagiging
Makatang pursigidong may pagmamahal sa sining
Ay ambag ng dalawang hari oo hari di yung feeling
Bagkus yung mga tunay na nagbibigay ng lilim
Para sa mga nagnanais na mag-ambag
Ng mga obrang makabuluhan at nais na magdagdag
Pa sa talaan ng mga kilalang artists ng pinas
Na syang naghubog ng kultura upang lalong lumakas salute sayo!

Matapos ka nila na ipaglaban
Ganun ganun ka na lang ng iba tapak-tapakan
Kayang kaya na sirain ang pangalan
Hindi ko maiwasang masaktan
Dahil nga mahal kita
Dapat ay alam mo na
Kung bakit ko ginagawa ito
Dahil para sayo sinta

Post a Comment

0 Comments