LOONIE by Acepipes [Lyric Video]


Song Title: LOONIE
Artist: Acepipes
Instrumental Produced by: 13th Beatz Exclusive
Recorded at: Platoon13Muzik
Arraged by: John Edmar Dela Cruz



"LOONIE" Lyrics:

kamusta ka na idol? anong balita?
panahong di ka nakita isa na ko sa nanghina
daming nakaabang sa kanta mong bago nakapila
kantang tao lang na tila nasa radyo lang kanina
makata na inidolo noon hanggang ngayon
walang banat na patapon panis lahat ng naghamon
tyak na makakasabay pa sa dadaan pang panahon
abang lang sa paglabas ng mga barang nasa kahon
rapper na astig talagang hanep sa pantig
kahit nacancel man ang trip dala ang talent pagtawid
sadyang marami ang sabik muling bumattle ka sa flip
acapella man o may beat tiyak na grabe pagbalik

nangingibabaw yung mga kantang walang laman
tapos naghahariharian yung walang karapatan
makarinig ng bago mo ay talagang natatakam
isa lang ako sa mga taga hangang nag-aabang

sana paglabas mo dyan ay maglabas ka na agad
malupit na sulat at may maangas na pamagat
nanatiling may respeto mataas man at angat
malayo man ang narating sadyang patas ka sa lahat
salamat sa mga awiting may kabuluhan
dahil sayo natutong sumulat ng may katuturan
magagandang kahulugan may aral ang kabuuan
di tulad ng ibang kanta na puro lang kaululan
kaya sir loonie ikaw ang idol ko pagkat
plakado ang lahat kahit pasample lang magrap
mapa lovesong at mapa trap mapa hardcore ay alamat
marami na kong nakuha di man mapaarbor ng cap

nangingibabaw yung mga kantang walang laman
tapos naghahariharian yung walang karapatan
makarinig ng bago mo ay talagang natatakam
isa lang ako sa mga taga hangang nag-aabang

bawat bagsak mo pinag-aralan ang tula mo
naging pulido tila parang mga tugma ko
kahit na madalas na hinaharang nakapunta ko
sa puntong ikaw lang ang pinangarap maka collabo
sa kakaaral ko natuto na ko kaya halos
lahat ng isulat natutugma ko ng maayos
sa kakaisip at katutula ko nakagapos
sa isang awitin na natutuwa kong makatapos
rapper na mahusay dami nang patunay
sa bara lang nilalabas ang pangil tsaka sungay
butong itinanim wala sa lalim ng nahukay
ang tunay na kulay ay nasa battle mo sa buhay
bumuo sa pagiging ako yung obra mo
kung susukatin mo ang paghanga ko sosobra to
ikaw ang tunay na hari na sayo suporta ko
nag aabang sa pagbalik mo suot ang korona mo

Post a Comment

0 Comments