Jarlo Base
Kalapati by Jarlo Base [Official Audio]
Producer & arranger: Jarlo Bâse
Co-producer & Sound Engineer: Brian Lotho
Bass Guitar: Jolo Ferrer
Drums: Jarlo Bâse & Brian Lotho
Guitars & Keys: Jarlo Bâse
Mixing & Mastering: Emil Dela Rosa
Track Art: Pao Villavicencio
Recorded in: sonic state studio
"Kalapati" Lyrics:
Sa bunga mo ba makikita
ang halaga ng ng puno ng nara?
Sa kulay mo ba mahahanap a
ang halimuyak ng sampaguita
'Di ba't ibon pa rin naman
ang kalapating nawawalan
ng pakpak, 'di makalipad
sa kalangitan
'Wag hanapin ang pagkukulang
Sana tatanggapin
mo pa rin
kahit walang maipagyayabang
'Wag mong limutin
dating sa atin
sakaling 'di mo matanggap
pinagmulan
Hindi sa takbo o paglipas
dapat balutin ang sukat ng oras
hindi mo naman masasabing
bawat kabibe'y ang hawak ay perlas
'Di ba't ibon pa rin naman
ang kalapating nawawalan
ng pakpak, 'di makalipad
sa kalangitan
'Wag hanapin ang pagkukulang
Sana tatanggapin
mo pa rin
kahit walang maipagyayabang
'Wag mong limutin
dating sa atin
sakaling 'di mo matanggap
pinagmulan
Sabay ng pagsikat sa tila balikat
ng ating mundong tayo'y inililipat
patungo sa bukas, saglit kung lumipas
pagkakamali'y hahanapan ng lunas
Sabay ng pagsikat sa tila balikat
ng ating mundong tayo'y inililipat
patungo sa bukas, saglit kung lumipas
pagkakamali'y hahanapan ng lunas
Huwag nang hanapin ang pagkukulang
Sana tatanggapin mo pa rin
'pag 'yong malaman ang pinagmulan
'wag kalimutan pinagsamahan
sakaling 'di mo matanggap
Post a Comment
0 Comments