Bassilyo
Nais Ko by Smugglaz and Bassilyo feat. Yorme [Official Music Video]
NAIS KO (OFFICIAL MUSIC VIDEO) - SMUGGLAZ & BASSILYO (FEAT. YORME)
"Nais Ko" Lyrics:
1ST VERSE:
Bassilyo:
Gan’to ang buhay sa pang araw-araw dito sa amin
Ang swerte mo na kung may kape’t tinapay sa la mesa na nakahain
Pag-malamalasin mag-uulam na lang ng asin sa tutong na sinaing
Pasalamat ka pa rin kasi meron ka pa rin Samantalang yung iba walang makain
Smugglaz:
Lolo ko at si ama kaya lang ay magkarga, Lola ko at si ina kaya lang ay maglaba
Si kuya at si ate si bunso naka-nganga, Naghihintay kung sino saming may biyaya na dala
Sa sobrang sipag man ay halos magpakamatay, maliit na sahod ay dumudulas lang sa kamay
Umaasa parin na makaraos sa paghihirap, gamit ang pagsusumikap at Kanyang gabay
Smugglaz:
Hirap maging tambay lagi lang sa kanto, anumang nasa plato,
di ka makaka-angal
Pano magkakabahay kung walang trabaho, hirap magtrabaho
pag di nakapag-aral
Andaming nasusulat na talino at kaalaman sa mga aklat na napakahalaga
Pero kahit gano daw kalinaw ang mata, mananatili kang bulag kung di marunong magbasa
PRE-CHORUS:
Nais lang mabuhay
Ng walang away walang kulay
problema’y matatapos…hanggang makaraos
Sama-sama tayong magtagumpay
Pantay-pantay na pagtingin sa lahat, kayumanggi-maputi o moreno ang balat
kahit di na para satin kundi para na lang sa mga bata kaya’t
CHORUS:
Ikaw NaIsko!
Wala ng maraming dahilan (Posible!)
ugaling makupad na di maka usad
dapat na nating palitan
Ikaw NaIsko!
Mangarap ka wag mag alangan (Pwede!)
kahit mahirap ika’y magsumikap sa buhay laging galingan (Naman!) 2x
2ND VERSE:
Smugglaz:
Sana lahat may maayos na paaralan
kung san pwe-pwede matuto’t magaral lalo’t ang lahat ay karapatan
Makapagtapos magkaron ng disensteng trabahong kanilang masandalan
Bukod sa karanasan, para kahit na papano ang kumakalam nilang sikmura ay magkalaman
Bassilyo:
Dadapuan ng karamdaman kung ang tulugan mo’y bangketa o kalsada
pag naospital ka, dun mo pa lang mararanasang may mahigaan na kama
E pano kung punuan pa? Wala na ring kwenta pa ang pera
Kung ka laban mo na mismo ay oras at naghahabol ka na ng hininga
Smugglaz:
Ngunit anumang dilim ng nilalakaran, Siguradong may liwanag din sa dulo
Yung buhay mo na kala mo’y natuldukan, nagkaron pa ng makahulugan na punto
Sa hirap man ng buhay naabuso, lalo lang tumibay, lumakas, natuto
batang kalye na nangarap landas nya ay mahanap, at maging isang alamat sa tundo
Bassilyo:
Wag kang papa-stress sa mga Marites
Makakabagal yan sa nais puntahan
Di na dapat mainis di ka dapat magtiis
Dahil meron ng pagasa at maraming paraan
Gawin mo na lang kung nais mong sa kahirapan ng buhay ay makaangat
Pag biglang naganap magugulat ang lahat
para bang nakakita sila ng kidlat
PRE CHORUS:
Galing sa baba, galing sa wala
kaya alam magpahalaga pag may napala
Sipag at tyaga lang ang piniga salita’y binawasan dinamihan ang gawa
Mga kwento ng inspirasyon sa bawat Pilipino na merong mangyayari basta Todo mo sagad!
Bi-Bi-bi-Bi-Bi-Bi-BIilis Kilos, Bi-Bi-Bi-Bi-Bilis Angat
CHORUS:
Ikaw NaIsko!
wala ng maraming dahilan (Posible!)
ugaling makupad na di maka usad
dapat na nating palitan
Ikaw Nais Ko!
mangarap ka wag mag alangan (Pwede!)
kahit mahirap ika’y magsumikap sa buhay laging galingan (Naman!)
Ikaw NaIsko!
Post a Comment
0 Comments