G Wolf by Flow G [Official Music Video]


Artist:
Archie "Flow G" Dela Cruz
Mixed & Mastered By D'Sauce

Production: Titus Cee Films
Directed By: Titus Cee
Cinematographer: Benjie Phillip
Camera Operator: Toti Abad
VFX Editor: Warren "Warz" Tablo

Ex Battalion Music™


"G Wolf" Lyrics:

Alam ko na isa ‘to sa namiss nyo yung ako’y magpaka-beast
Pero atleast lagi pa ring nasa list kahit walang nirelease
Yung mga diss buti na lang natiis ko kahit nakakainis
Sa unli pa lang napanis na wala kong kailangang i-please
Ako lang hindi lumusog pero yung sulat busog
Yung beat ay palaging sunog di na sumusulat ng hindi magkakatunog
Diba baka yun na katunog
Sakin lang kayo makakanuod na yung chamba magkakasunod
Kaya halatadong tulog pa yung taong nagsabi sa aking hindi pa ko hubog
Tapos sila mga lyrics may kasamang kulog (wow)
Mga ugok magkakasabay na bulok
Di kami yung dahilan kung bakit di na kayo patok
Sadyang hindi na pasok dito yung mga tira pa soft
Napakadami ko naalog simula ng nakita nila akong tumula ng padabog
Lahat sila sakin pasugod totoo pala ang inggit ay hindi na kayang magamot
Ako naging tampok ng mga tunog hambog laging may nag-aamok
Kahit nawalan kayo ng loop may sumasagod oy ano ba naman ambot
Para sa buang sumuntok mga pumutok pero sa pangalan naming nakabuntot
Mga kumurot nung lumagabog ang mga tunog na akala nila kabute sumulpot
Malamang sa malamang ay mauna pa din silang mauntog bago pa makarating sa tuktok
Sira tuktok panahon nyo na maudlot kasi kami na ang taga tuldok

Oh sige namnamin nyo lang pero pagtagal malalaman nyo rin ang suma total
Kung gusto nyong mapansin sige lang pero tandaang magkaiba ang nauso lang sa popular
Hoy di to madali boy wag nyo na kong kinekengkoy
Di ko na rin kayo kalevel oy
Malaki na ang kaibahan kahit magtanong ka pa sa iba dyan
Basta may alam alam nya na yan diyos ko naman pag di pa inamin ewan ko na lang
Oh sige eto pa ba kami bida pa sa naririnig mo ngayon
Eto yung tipo na isang beses mo lang maririnig sakin kada taon
Para sa palakpakan gusto ko lang ipangalandakan
Na hindi lang ako pangkalmahan na kantahan yun ang di nyo nalaman
Yun lang ang ginawa kong hakbangan hanggang sa nagkapangalan
Habang yung ibang kunwaring kababawan ginawa kong hagdanan
Ang daming nakulangan, nahinaan kailangan ko pa yatang pakitaan
Kaso nga lang di na bale baka sakin pa madaming mayabangan

Di mahulaan yung tugma tila sa dulo may suntok pati sa gitna
Mula sa umpisa may pinupunto to, magaling na sana sila kung di natuto to
Dahilan kung bat nawalan ng papel yung iba at yun ang totoo
Di ko na din kasalanan kung ayaw ko na magpaawat
Dirediretso ang lakad patunay na mga paa’y sa lapag nakatapak
Banat ng banat hanggang matupad lahat ng mga balak
Mapasakamay ang di ko pa hawak hanggang sa lumawak
Kasi ganon naman talaga dapat
Sa dami ng pinakalat eh bakit ang dami pa ring nasasabi na lait
Kung kami palagi ang hinahanap ng marami at samin sila lumalapit
Kung kami palagi ang topic ng mga tao na sa awit namin ay naadik
Di ka na dapat nagagalit kung di mo gustong makisabit

Oh gusto nyo ng flex sige ito pa yung next

Tingnan nyo na lang kung sino yung nakaabante
Kita naman kung sino yung naka-diamante
Daming nagkalat sa kalyeng feeling higante
Pero kapag umatake mas mabango pa yung tae ng elepante
Akala ko ba magaling bakit nandyan pa rin
Tingnan nyo na lang kami layo ng narrating
Mula nung kami dumating lahat sila ay naging
Katawa tawa na sa scene
Nakita kasing iba yung nagmamagaling sa tunay na magagaling

Post a Comment

0 Comments