Gloc-9
Tunay by Gloc-9 [Official Audio]
Composed by Aristotle Pollisco
Arranged by: Ron Jefferson “AK BEATS” Perez feat. Rassel “Goodson” Tiquia
Mixed & mastered by: John Edmel “Gcode” Tabuniar
"Tunay" Lyrics:
Meron akong gustong itanong
Sagutin ng malakas ayoko ng pabulong
Kung palaliman din lang kunin mo yung malukong
Punuin natin ng mga salitang malutong
Alam kong ang mundo na nilalakaran natin
Ay nababalutan palupitan ng porma na pamatay
Pataasan ng sampay, di nyo kayang pumantay
Gano karaming ginto at singsing na nakalagay
Sayong kamay at leeg malayo mo na madedma
Palaging nakaangkla si Elsa, Lorna at Edna
Nagmamahalang tsikot ang kanilang pinaparada
Di makita sa bintana kapag pinaarangkada
Aha, hanep palakasan ng dating
Lahat na lang ay kalaban sa tuwing nalalasing
Hindi naman manipis mga napakapraning
Bakit di nauubusan ng mga hinanaing
Hindi daw sya makasulat kapag hindi naka-weed
Di naman nakakagulat halos di makatawid
Sa makatuwid kung gusto mo na may masamid
Pag lumakad sa alambre dapat napakatuwid
Oppp, sabi na ganto ako na si cursy
Dapat makatas pataas palagi
Ano mang di mo naabot ay bahagi
Balikan mo na lang pwede pang mapawi
Isang anak na naghahanap ng pera, para sa
Hapagkainan ng pamilya kahit malayo pa
Pansit na nakabalot sa supot kanyang dala-dala
Kahit na hindi sapat ay pagsasaluhan nila
Tapos gigising sa hatinggabi upang timplahan ng
Gatas ang kanyang sukling kahit ilang takal na lang
Bukas tuloy ang kanyang pakikipagsapalaran
Para sa kapakanan hindi magpapalamang
Pero lalaban ng patas dahil ang pinapangarap
Sa kanyang mga anak ay ang kabutihan ng asal
Mabagal man ang pag-usad kulang man ang pantakal
Maaga lagi sa bungad sipag na walang angal
Basta nasa maayos lamang kayo
Ligtas at malusog busog na ako
Kahit na gano pa kabigat ang pasan ko
Para lamang sa inyo bubuhatin ko to
Basta nasa maayos lamang kayo
Ligtas at malusog busog na ako
Kahit na gano pa kabigat ang pasan ko
Para lamang sa inyo bubuhatin ko to
Post a Comment
0 Comments