Sarap Balik-Balikan by Chito Miranda [Lyric Video]


Sarap Balik-balikan by Chito Miranda
For Father's Day, I decided to make something for Miggy.

Palagi ko kasing iniisip na sana ma-experience ni Miggy ang lahat ng pwedeng nyang ma-experience na maganda sa mundo.,,,so gumawa ako ng kanta.

Sana ma-enjoy nyo din. - Chito


"Sarap Balik-Balikan" Lyrics:

CHORUS:
kay sarap balik-balikan
mga ala-ala ng nakaraan,
karanasan naming kinagagalakan,
naway maranasan mo rin.

STANZA 1:
tampisaw sa ulan, taguan sa dilim, at saka habulan...
mga laro na nais kong ibahagi sa iyo.
iba't ibang mga kwento na nakakatawa at nakakakilig,
na dulot ay sayang walang ibang makaka-daig!

REPEAT CHORUS:
kay sarap balik-balikan
mga ala-ala ng nakaraan,
karanasan naming kinagagalakan,
naway maranasan mo rin.

STANZA 2:
tandang-tanda ko pa
ang una kong sintang paslit,
kaklase ko nung kinder
na ubod ng kulit!
marami pang mga kwento
ng pag-ibig at samahang totoo,
na tulad ko'y, lahat ito'y
pagdadaanan mo!

BRIDGE:
at palaging tandaan
na nandito lang ako,
handa kang gabayan
dito sa biyahe mong ito.
sa lahat ng magandang napagdaanan sa mundo,
wala na talagang mas hihigit pa sa iyo.

REPEAT CHORUS:
kay sarap balik-balikan
mga ala-ala ng nakaraan,
karanasan naming kinagagalakan,
naway maranasan mo rin.

Post a Comment

0 Comments