Ako Naman Muna by Angela Ken [Official Lyric Video Visualizer]


Ako naman muna - Angela Ken
Words & music by Angela Ken
Mixed & mastered by Tim Recla
Produced by Jonathan Manalo

Copyright 2021 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.


"Ako Naman Muna" Lyrics:

(Verse 1)
Kada hakbang sa lupa’y para akong inaalon
at nalulunod sa batikos ng mundo,
sa kung ano lamang ang kaya ko.

Pigang-piga na sa mga problemang ‘di masolusyonan agad.
Parang wala ng bukas,
pwede bang umiwas?
Hinahanap ang sarili ngunit ‘di na kakayanin sa ligaw na dinadaanan ko.
‘San na ‘to patungo?
‘San na ‘ko patungo?

(CHORUS)
Dahan-dahan nating simulan muli ang pag-hakbang.
Dahan-dahang tumingin sa salamin upang makita ang ating kagandahan.
Dahan-dahang iangat ang mukha upang masilayan ang payapang kalangitan.
Oo, pagod ka na.
Pero ‘di ka nag-iisa.
Kaya’t lumaban ka.
At sabihing,
“Ako naman muna”.

(Verse 2)
Kada langhap sa hangin pansin ko na lagi nalang usok.
Walang malinis halos puro polusyon,
parang ako raw na konsumisyon.
Gulong-gulo ang isip ‘san ba lulugar kapag nag-kamali.
Grabe sila manghusga,
bakit perpekto ba sila?

Huminga ka ng malalim at isipin ng mabuti
ang mga desisyong ilalaan para sa kinabukasan.
Nang makapunta sa
paroroonan.. Kung

(CHORUS)
Dahan-dahan nating simulan muli ang pag-hakbang.
Dahan-dahang tumingin sa salamin upang makita ang ating kagandahan.
Dahan-dahang iangat ang mukha upang masilayan ang payapang kalangitan.
Oo, pagod ka na.
Pero ‘di ka nag-iisa.
Kaya’t lumaban ka.
At sabihing,
“Ako naman muna”.

(Bridge)
Huwag papalamon sa lungkot,
huwag hahayaang malugmok
ang puso mo sa ibabato sa’yo ng iba.
Tandaan mong sapat ka...

Dahan-dahang tanggalin ang maskara at hayaang tumulo ang bumabadyang mga luha.
Dahan-dahang tumingin sa salamin at tanggaping minsan ayos lang maging mahina rin.
Dahan-dahang iangat ang mukha upang masilayan ang mga taong ika’y pinapahalagahan.
Oo, pagod ka na.
Pero ‘di ka nag-iisa.
Kaya’t lumaban ka.
At sabihing,
“Ako naman muna”.

Post a Comment

0 Comments