Yugto by Earl Generao [Official Lyric Video]


Yugto - Earl Generao [Official Lyric Video] | Rico Blanco Songbook

The official lyric video of "Yugto" by Earl Generao.

Composed by Rico Blanco
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Supervising Producers: Romel Sanchez and Civ Fontanilla
Produced and arranged by Earl Generao
Session Musicians:
Drums -Gerome Reyes
Bass -Timothy Valientes
Keyboards -Henry Alvarez
Saxophone -Archie Pangilinan
Trumpet -Pawlo Mendoza
Electric Guitar -Dominico Gotinga
Mixed and mastered by _
Recorded at O/C Studio & Point Bee Recording Studio by Emil Dela Rosa


"Yugto" Lyrics:

Hmm…
Tururururururu…
Lalalalalala…
Lalalalalala…

Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik
Tatawagin kang kaibigan na pinakamatalik
Pupulupot sa leeg mo't sisipsip ng iyong dugo
Ipapako ka sa krus kapag ikaw ay natuyo

Sa gitna ng kaguluhan may kumukulong bulkan
‘Di mapigil ang yabang at sakdal na kasakiman
Susubukang angkinin ang lahat ng hindi kanya
Kung kaya kang paikutin tiyak paiikutin ka

Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob
Ang pag-ibig na hawak mo'y hindi malulubog

Lumiyab ka…
Lumiyab
Lalalalalala…
Lalalalalala…

Sa gitna ng kadiliman may buwitreng nagmamasid
May magbabato ng putik ngunit walang mayayanig
Iiyak ang mga batang nahulugan ng kendi
Lahat ng mga problema’y sa iba sinisisi

Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik
Itinuring mong kaibigan na pinakamatalik
Leeg mo'y pupuluputan dugo mo'y sisipsipin
Kapag wala ka nang pakinabang ending mo ay sa bangin

Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob
Ang pag-ibig na hawak mo'y hindi malulubog

Lumiyab ka…
Lumiyab
Lumiyab
Lumiyab

Tuwing hatinggabi maririnig mo ang huni
Ng mga kaluluwang naliligaw
Lahat ng pera sa mundo hindi kayang gawing ginto
Ang huwad na tao

Ang mga tinig palakas nang palakas
Hanggang gumuho ang mga hadlang
Ang mga tinig palakas nang palakas
Hanggang gumuho ang mga hadlang

Saksi ang langit sa lahat ng naganap
Saksi ang langit sa ikalawang yugto

Lumiyab ka…
Lumiyab
Lumiyab
Lumiyab

Sa ngalan ng katotohanan
Sa ngalan ng iyong dangal
Ang puso mo'y iyong isipin
Ialay mo sa Maykapal

Lalalalalala…
Lalalalalala…

Post a Comment

0 Comments