Kwentuhan by Autotelic [Lyric Video]


Music video by Autotelic performing Kwentuhan (Lyric Video). © 2021 MCA Music Inc. A Universal Music Group Company


"Kwentuhan" Lyrics:

Kaibigan
Baka pwede ka munang makakwentuhan
Nakikiramay
Ang paborito mong serbesas
At nangangalawang kong gitara

Anong balita?
Mukhang may di nakatulog kagabi
Mga mensaheng nais mong iparating
Inipon sa bote
Mga dasal, saklolo't, paumanhin

(Kwentuhan muna tayo)
(Kwentuhan muna)

Sa iyong pag-alis
Isalarawan ang iyong mundo
Anong natatanaw
Mga tumatakbo sa isip mo

(Kwentuhan muna tayo)
(Kwentuhan muna tayo)

Paulit-ulit
Sa mga payong ayaw mo ng madinig
Pasensiya na lagi kitang kinukulit
At sa aking pagmumukha na
Sawang-sawa ka ng makita

Wag kang magalit (Wag ka sanang magalit)
Hindi naman kita pipigilan (Hindi kita pipigilan)
Gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin
Kwentuhan tayo hanggang sa muli

Sa iyong pag-alis
Isalarawan ang iyong mundo
Anong natatanaw
Mga tumatakbo sa isip mo

(Kwentuhan muna tayo)
(Kwentuhan muna tayo)

Bat hindi ko nakita sa mga mata
Ayaw pahiwatig na nasasaktan ka na pala
Hindi naman kami nagkulang na suyuin ka
Sabi mo pa ayos lang ako walang namang problema

Paulit-ulit kinukulit
Ayaw sagutin ang tawag
Magkwentuhan nang saglit
Marami namang ibang paraan
Pero piniling mamaalam nang ganyan

Sa iyong pag-alis
Isalarawan ang iyong mundo
Anong natatanaw
Mga tumatakbo sa isip mo

Sa iyong pag-alis
Isalarawan ang iyong mundo
Anong natatanaw
Mga tumatakbo sa isip mo

Post a Comment

0 Comments