Valentina by Max Importunate feat. Cean Jr. [Official Audio]


The official audio of "Valentina" by Max Importunate featuring Cean Jr.

Composer: Marc Silva
Publisher: OC Music Publishing
Producer: GFAB
Arranger: Marc Silva and Cean Jr.
Recorded by: Good Boy Music, GFAB
Mixed and mastered by: GFAB


"Valentina" Lyrics:

Paliwanag mo sa akin sa ilalim ng buwan
Init sa gabing sabay nating sinindihan
Bakit pag dating sayo, hindi mahindian
Di man kita inabutan, basta 'di ka duguan

Basta ang alam ko lang, alam ko nang mali to
Umiikot lang sa tama, doon tayo nahihilo

Ihuhulog sa balon, 'yong natitira kong piso
Kahilingan sa ngayon, mapunta sa paraiso
Basta ba nakangiti, ipasa mo saakin
Liliparin kita nang 'di nagpatangay sa hangin
Ramdam ko 'yong gaan, kapag ikaw na ang pasanin
Sa oras na natira, ikaw 'yong 'di ko sasayangin

Pero kalma lang, kakantahan kita
Sulat makikita, basahin aking mata
Pwede ba 'kong magtanong ba't mo 'to pinapadama?
Lisanin natin ang mundo tapos sagot ay tayo na

Halika na kumapit tapos sumakay ka lang (Sumakay ka lang)
Abutin natin ang langit
Sa'kin sumabay ka lang

Ibuga natin sa hangin pagkatapos sindihan
Sabay tayong ngingiti sa dulo ng kaulapan
Basta sumakay nalang, sumabay ka lang, sa'kin sumakay na lang

Halos sagot ka na sa bakit, kung bakit ko natanong
Regalo sa makatuwid, ay lumabas ka sa kahon
'Di mo nais magtakong o magpabitin sa puson
Medyo nahulog sa rason na may kupas na pantalon.

Sumasabay sa alulong dis-oras pag nag-ululan
Parehas tayong ulupong, pag nalasing may banatan
Tiyaga na sa kaning tutong, handa na sa'ting kainan
at maaring ibulong nang 'di na mag parinigan

Paano ko tutumbasan tila perpektong halimbawa
Pinto ay binuksan, pumasok ka bilang biyaya
Lingid sa kaalaman at humigit na sa akala
Pwede bang pakasalan nang lumuhod na ko sa tala

Sa daan na palapit sa paraang 'di mo tiyak
ay masasabing kasiyahan ko ang iyong pag-iyak
'Di na para magtanong kung bakit naging masaya
Nilisan namin ang mundo at 'yong sagot ay kami na

Halika na kumapit tapos sumakay ka lang (Sumakay ka lang)
Abutin natin ang langit
Sa'kin sumabay ka lang

Ibuga natin sa hangin pagkatapos sindihan
Sabay tayong ngingiti sa dulo ng kaulapan
Basta sumakay nalang, sumabay ka lang, sa'kin sumakay na lang

Post a Comment

0 Comments