Jono Hilario
Unos by Jono Hilario [Official Lyric Video]
The official lyric video of "Unos" by Jono Hilario.
Composed by Jono Hilario and Avelina Hilario
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Arranged by Jono Hilario
Produced, mixed, and mastered by Burn Mercado
Drums and percussion by Piolo Antonio
"Unos" Lyrics:
Sa kalawaka’y naririnig
Mga daing at pighati
Sanlibuta’y nagluluksa
Mga buhay nawawala
Ang mundo’y naliligalig
Naghahanap ng liwanag
Ito kaya’y isang parusa
Ito kaya’y paalala
Sa gitna nitong unos
Sa gitna ng kawalan
'Di tiyak sa daang patutunguhan
O Diyos nandiyan ka lang, sa baybay naghihintay
Ikaw ang aking ilaw
ikaw may hawak sa 'king buhay
Panahon na magkaisa
Huwag mawalan ng pag-asa
Ang buhay 'di lang materyal
Pag-ibig dapat umiral
Sa gitna nitong unos
Sa gitna ng kawalan
'Di tiyak sa daang patutunguhan
O Diyos nandiyan ka lang, sa baybay naghihintay
Ikaw ang aking ilaw
Ikaw may hawak sa 'king buhay
Akayin mo ako
Sa gitna nitong unos
Akayin mo ako
Sa gitna nitong unos
Akayin mo ako
Sa gitna nitong unos
Akayin mo ako
Sa gitna nitong unos
Akayin mo ako
Sa gitna nitong unos
Post a Comment
0 Comments