Gloc-9
Sampaguita by juan karlos feat. Gloc-9 [Music Video]
Music video by juan karlos Ft. Gloc-9 performing Sampaguita. © 2020 MCA Music, Inc., a Universal Music Group Company
Produced by: MCA Music Inc.
Director, Cinematographer, Editor - Silver Belen
Producer, Production Manager, 1st Assistant Director - Jaimee Calupitan
2nd Assistant Director - Zi Evangelista
Location Manager - Ghian De Villa
Gaffer - Rio Laranjo
Assistant Gaffer - Mark Reyes
Camera Operator - John Rem Salvan
Steady Camera Operator - Zander Servando
Assistant Production Manager - Khaye Medina
Production Assistant - Lharen Valencia and Nikkay Capalungan Remolacio
Production Designer - Sherina Inza-Cruz
Art Department:
Pao Honorio
Jana dela Pena
Osmond Oro
Charmaine Aquino
Carlo Canlas
Sean San Luis
Joel Deloria Regis
Hair and Makeup - Boombee
Caster: Jaimee Calupitan and Bombet Perez
Utility - Jun Gallo and Bernardo Carpio - Utility
Behind-the-Scenes - Charles Suarez and Mattias Moraleda
Motion Graphics - Emman Evangelista
Sound Design - Paulo Almaden
Colorist - Virgil Tafalla of Barebones
Cast:
Francis Cruz III
Jiks Torres
Mikah Gomez
Jek Jumawan
Clin Sumilang
Jan Balodong
Rosario Atun
Edward Lim
Marge Manabat
Ronnie Ramos
Cameras supplied by Fujifilm Philippines
Music video by juan karlos performing Sampaguita. © 2020 MCA Music, Inc.
"Sampaguita" Lyrics:
O aking sinta
Pasensya ka na kung ang makapiling ka ay hindi ko magawa
Hawak-hawak lagi ay larawan ng iyong mukha
Napakahirap ang bumuhat ng lungkot na malubha
Sa tuwing may okasyon ay wala ako palagi
Kay dami ng taon ng kailangan kong mabawi
Nagdaang mga pasko, bagong taon at araw
Ng mga pusong di kita makuhang madalaw
At maabutan manlang ng paborito mong bulaklak
Pag kausap ka’y hindi ko mapigilang maiyak
Sa mundong di sigurado isa lamang ang tiyak
Mag-isa ka lang ng isinilang mong ating anak
Nangungulila hanggang sa tumila ang ulan
Mga sana na mahirap ng bilangin kung ilan
Sa pagkain sa labas ay di kita masabayan
At sa paglubog ng araw di kita matabihan
Kung kahit saan man mapadpad
Sayo pa rin ako babalik giliw
Sa halimuyak ng ‘yong paboritong sampaguita
Sa halimuyak ng ‘yong
Anak kaarawan mo na ulit
Wag mong kalimutang suotin ang bago mong damit
Tandaan mo lagi kahit di tayo magkalapit
Naaalala ka ni tatay tuwing ako’y pumipikit
Patawarin mo ako anak kung hindi kita
Masamahang magpalipad ng gawa mong saranggola
O lumangoy sa batis na katulad ng iba
At mapunasan ka ng pawis kapag nagbibisikleta
Magbutones ng uniporme mo sa unang araw
Ng pasok sa eskwela puso ko’y nag-uumapaw
Sa tuwa dahil ganyan-ganyan ako noon
Ngunit agad napapaluha pag ika’y nagtatanong
Kailan ka uuwi sakin ay binubulong
Sagot na bukas na anak ay palaging nakakulong
Sa pagkatbo’y madadapa minsan ay masasaktan
Pero sugat mo sa tuhod hindi ko mahalikan
Kahit saan man mapadpad
Sayo pa rin ako babalik giliw
Sa halimuyak ng ‘yong paboritong sampaguita
Sa halimuyak ng ‘yong paboritong sampaguita
Sa halimuyak ng ‘yong
Dumating ng araw na aking pinakahihintay
Malapit ng magsimula ang aking paglalakbay
Pabalik saking pamilya kahit napakalayo
Mula sa lugar na para kumita ay dinayo
Lahat ng pasalubong ko ay nasa kahon na
Tsokolate at laruan pati sabong panlaba
Eroplano’y lumapag na ako lamang mag-isa
Ang bibyahe pauwi para masurpresa sila
Kaso nang sumakay ako ng taxi ay para bang tila iba
Ang tingin sakin ng mama na sa manibela malayo akong dinala
Nung tanungin ko teka muna pare ay bigla na lamang syang natawa
Nag-iba’ng aking kaba teka bakit may pumasok pa na dalawa
Hanggang hinawakan ako sa balikat ng isa na may tangan na patalim
Pilit inaagaw ang dala kong bag na pinakatatago ko ng palihim
Dahil ang laman nito ay ang lahat ng mga araw na ako’y nakatingin
Sa bituin kahit madilim pero bakit sa dulo ako pa rin kahit gawin
Kahit saan man mapadpad
Sayo pa rin ako babalik, babalik giliw
Sa halimuyak, sa halimuyak ng ‘yong paboritong sampaguita, sampaguita
Sa halimuyak ng ‘yong paboritong sampaguita
Sa halimuyak ng ‘yong sampaguita
Post a Comment
0 Comments